Recent Posts

Breaking News

Parañaque tutularan ang Navotas

Kapag patuloy pa ring tumaas ang bilang ng mga coronavirus case, posibleng isailalim ang Parañaque sa 2-linggong city-wide lockdown gaya sa Navotas.

“At this critical moment, I’m appealing again to my constituents to come together to defeat this terrible disease. Each of us has a role to play, whether through unselfishness or humanity,” wika ni Mayor Edwin Olivarez , Linggo.

As of July 18, nasa 1,944 na ang mga confirmed COVID-19 case sa lungsod, ayon sa city health office. Kabilang dito ang 72 namatay at 1,017 gumaling.

Karamihan sa mga bagong kaso ay mula sa Barangays BF Homes at Sun Valley.

Samantala, isinailalim na noon sa lockdown ang Baclaran, San Dionisio, at 5 lugar sa Barangay BF Homes.

Wika ni Olivarez, kung hindi pa rin mapipigilan ang pagkalat ng virus, baka tularan niya na ang ginawa ni Mayor Toby Tiangco sa Navotas, na nakasailalim ngayon sa 2-linggong lockdown dahil sa mabilis na pagsirit ng mga COVID-19 case doon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/paranaque-tutularan-ang-navotas/)

Walang komento