Recent Posts

Breaking News

Para ‘di lumala COVID, magpabakuna vs. trangkaso, pulmonya – DOH

Nirerekomenda ng Department of Health ang paggamit ng mga bakuna sa trangkaso at pulmonya para hindi na madagdagan ang mga komplikasyon mula sa sakit na COVID-19.

Sa panayam sa ANC, tinanong si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung makatutulong ba ang pagpapabakuna laban sa flu at pneumonia sa pagpigil na lumubha pa ang coronavirus.

May ilang COVID-19 patient ang mayroon ding pulmonya o iba pang sintomas ng flu.

“Agree po kami diyan. Actually we have that kind of program for children and for the elderly,” ayon kay Vergeire.

“’It can help you kasi para hindi nagkakaroon ng additional complication ‘yung mga mayroong may COVID-19.”

“‘Yung mga nagpapa-flu vaccine or pneumonia vaccine, we do not advise against it. We even recommend it because we have that program as well,” dagdag niya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/para-di-lumala-covid-magpabakuna-vs-trangkaso-pulmonya-doh/)

Walang komento