Recent Posts

Breaking News

Panibagong COVID-19 carrier naidagdag sa Lucena

Panibagong coronavirus carrier ang naitala sa Lucena City kaya naman umabot na sa 200 ang nakapitan sa Quezon province.

May 12 pasyente naman ang na-ideklarang naka-recover kung saan 10 sa kanila ay taga Atimonan town habang taga Lucena City at Tiaong town ang dalawa ayon sa Quezon public information office (QPIO).

Nakapagtala ang Atimonan town ng 15 recoveries ng COVID-19, 11 ay mga health workers.

Umabot naman sa 79 ang kumpirmadong virus carrier ng COVID-19 sa Lucena, ang capital city of ng probinsya.

Dalawang pasyente lang sa Tiaong town, umayos ang isa habang namatay ang isa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/panibagong-covid-19-carrier-naidagdag-sa-lucena/)

Walang komento