Recent Posts

Breaking News

Panelo kay Robredo: Parang ‘di ka abogado!

Muling binanatan ng abogado ng Malacañang si Vice President Leni Robredo kaugnay sa pahayag nito sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kung magsalita ang Pangalawang Pangulo ay parang hindi ito abogado.

Ito ay matapos sabihin ni VP Leni na sana ay sana ay huwag ma-pressure ang Korte Suprema sa mga dumadagsang petisyon.

Sinabi ni Panelo na para na ring sinisiraan ng pangalawang Pangulo ang kataastaasang hukuman sa naging pahayag nito dahil batid namam niyang independent ang lahat ng mga mahistrado.

“You talk as if you are not a lawyer. Sinisiraan mo ang Supreme Court kapag sinabi mong nape-pressure sila. In effect, when you are saying that you are also pressuring the Supreme Court to side with you. Hindi ba pressure din yon?” ani Panelo.

Mas mainam aniya na hintayin na lamang ang magiging aksiyon ng Korte Suprema sa halip na mag-ingay nang mag-ingay dahil tiyak naman na pag-aaralan ng mga mahistrado ang mga sinampang petisyon laban sa Anti-Terror law.

“Yan pong petisyon, hayaan natin ang Korte Suprema. Yang mga tao diyan puro yan independent-minded. May sariling pag-iisip mga yan at pag-aaralan nila ang kaso,” dagdag niya.

Hinamon ng kalihim si Robredo na huwag magpadala sa kanyang partido at sa halip ay ipakitang naiiba ito sa kanila.

“Relax VP Leni, naawa ako sa’yo. Alam ko naman na ayaw mo diyan. Knowing you, ayaw mo talaga diyan pero wala ka na ring magagawa andyan ka na eh. But if I were you, you rise above your own partisanship. Ipakita mo sa kanila na naiiba ka sa kanila,” wika pa ni Panelo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/panelo-kay-robredo-parang-di-ka-abogado/)

Walang komento