Recent Posts

Breaking News

Pandemic, health emergencies isama sa school curriculum – Angara

Sinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagsama na pandemic, epidemic at iba pang health emergency bilang subject sa mga primary at secondary school sa bansa.

Sa paghahain ng panukala, binigyang-diin ng senador na kailangang ma-educate ang tao kung ano ang mga bawat at hindi sa panahon ng health emergency.

“By educating our children on pandemics, epidemics and public health crises preparedness, we hope to influence behavior in order to prevent the spread of diseases and increase awareness on what to do and what to avoid whenever there is a pandemic,” sabi ni Angara.

Sa Senate Bill 1674, isinusulong na na isama ang pandemic, epedimic at iba pang public health emergency biilang bahagi ng curriculum sa lahat primary at secondary schools, mapapubliko man ito o pribado.

Ang Department of Education ang naatasan para komunsulta sa Department of Health, National Disaster and Risk Reduction at iba pang pubic at private institution para sa pagbuo ng curriculum na ito.

“By educating our students on the good health behavior such as covering coughs and sneezes, proper handwashing and social distancing, this will help ensure that such behavior is ingrained in each individual,” sabi ni Angara.

“If all members of society exhibit the proper health behavior whenever there is a pandemic such as COVID-19, this will allow the government to control the spread of the disease more effectively and help ease the burden that such health crises pose on the medical and health facilities and its workers,” ayon pa sa senador.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pandemic-health-emergencies-isama-sa-school-curriculum-angara/)

Walang komento