Recent Posts

Breaking News

Palpak ang iskor! Desisyon ng Kamara ‘di batay sa batas – La Viña

Tatlong beses na umanong binasa ni lawyer at law professor Antonio La Viña ang desisyon ng Kamara na ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa, pero palpak pa rin ito para sa kanya.

Nagkomento siya sa pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na “basahin at irespeto” ang “malubhang sinalang-alang” na tindig ng House Committee on Legislative Franchises hinggil sa franchise renewal.

“As the Committee members have voted to deny the franchise application, the House Leadership asks that the people read the findings carefully in order to appreciate the reasons for their decision,” ayon kay Cayetano.

“This has by no means been an easy process for anyone involved in these proceedings, and I can assure our kababayans that the final resolution was not arrived at by the Committee without serious consideration as to the overall impact it will have on the nation,” aniya pa.

Sambit naman sa Facebook ni La Viña kagabi, Hulyo 12, hindi papasa ang desisyon ng mga mambabatas–sa UP College of Law man, Ateneo de Manila University School of Law, o Ateneo School of Government kung saan siya naging dean dati.

Bigo kasi aniya ang desisyon na i-appreciate nang wasto ang mga fact, na maging batay sa batas, at na manindigan para sa interes ng bansa at madla.

“I actually read it three times and as an academic and legal scholar, I would say it would get an failing grade for wrongly appreciating the facts, for not being based on the law, and from the policy of view not upholding national and public interest,” sabi ni La Viña, dati ring Environment Undersecretary.

“As a UP Law Professor, I would give it a 5 and as an Ateneo Law Professor, it would merit 60 points a failure. As a former dean of a reputable school of government, it would not pass what I call the laugh test as a document,” dagdag niya.

Noong Hulyo 10, sa botohan ng nasabing House committee, 70 kongresista ang pumabor na huwag nang magpatuloy sa operasyon ang Kapamilya network, 11 ang hindi sang-ayon, dalawa ang nag-inhibit, at isa ang nag-abstain.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/palpak-ang-iskor-desisyon-ng-kamara-di-batay-sa-batas-la-vina/)

Walang komento