Recent Posts

Breaking News

Palasyo tinangging posibleng bumaba ang GCQ status ng Metro Manila

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na ibababa sa modified general community quarantine ang status sa Metro Manila pagsapit ng July 15.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala pang napagpapasyahan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa community quarantine status ng iba’t ibang lugar sa bansa .

“Hindi ko alam kung anong basehan ang ganyang conclusion dahil sa pagkakaalam ko ay wala pa pong desisyon kaya antayin na lang po natin ang desisyon,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na iba ang naging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) para sa magiging quarantine status ng Metro Manila kaya mas mainam na maghintay na lamang at huwag pangunahan ang magiging desisyon ng IATF.

“Wala pa pong kahit na anong desisyong nagagawa ang IATF at iba ang naging rekomendasyon ng DOH,hindi po MGCQ,”dagdag ni Roque.

Sa kasalukuyan ay umiiral ang General Community Status sa National Capital Region (NCR) hanggang sa July 15.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/palasyo-tinangging-posibleng-bumaba-ang-gcq-status-ng-metro-manila/)

Walang komento