Recent Posts

Breaking News

Palasyo sa publiko: Kahit magluwag sa lockdown, may virus pa rin

Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na isapuso ang pagsunod sa mga ipinatutupad na pag-iingat kontra COVID-19 kahit magluwag na sa community quarantine status ang bansa.

Inihayag ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa virtual pre-SONA forum ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sinabi ni Medialdea na dapat maging responsable ang bawat mamamayan dahil hindi pa tapos ang problema ng buong mundo sa COVID pandemic.

Naipakita aniya ng gobyerno sa publiko ang importansiya ng pag-iingat para mabawasan o mapabagal ang kontaminasyon sa COVID-19.

“We must act responsibly. Sabi nga nila, mapa-ECQ o MGCQ, huwag matigas ang ulo, may virus pa rin,” ani Medialdea.

Ilang buwan din aniya ang pinagdaanang sakripisyo ng bansa sa COVID crisis kaya hindi tumitigil ang gobyerno para mabawasan ang epekto ng pandemic sa ekonomiya at titiyaking makakabawi sa ekonomiyang pinalugmok ng COVID-19.

“We are confident that in spite of the continuation of this health crisis, our economy can resume its growth trajectory and that our economic and infrastructure development will generate jobs for Filipino workers enabling them to provide a more comfortable lives for their families,” dagdag ni Medialdea. (Aileen Taliping)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/palasyo-sa-publiko-kahit-magluwag-sa-lockdown-may-virus-pa-rin/)

Walang komento