Recent Posts

Breaking News

Palasyo: Mungkahi ni VP Leni sa IATF, hindi na bago!

Walang bago sa mga rekomendasyon ni Vice-President Leni Robredo para mapabuti ang pagtugon ng gobyerno sa COVID pandemic.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa sulat ng pangalawang Pangulo sa kanya para mas mapahusay ang paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Lahat aniya ng rekomendasyon ni VP Leni ay ipinapatupad na maliban sa hirit na isama bilang miyembro ng IATF ang League of Cities .

“Thank you very much. IATF has long recommended almost, well in fact, all of your suggestions. There’s nothing new in her recommendations,” ani Roque.

Hindi aniya isyu para sa Palasyo kung gusto ni VP Leni na makatrabaho ang mga taga-MalacaƱang at maaari niyang gawin ang mga nais gawin para makatulong sa paglaban sa COVID-19.

“We’ve welcomed all her contributions. The President has sent a very strong message to his supporters not to interfere with anyone who wants to offer help by firing that public official. So, I think she can do whatever she has been doing and it is very much appreciated,” dagdag ni Roque.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/palasyo-mungkahi-ni-vp-leni-sa-iatf-hindi-na-bago/)

Walang komento