Recent Posts

Breaking News

Pagpanaw ng PNPA cadet walang foul play – pamilya

Nagsagawa ng independent autopsy ang pamilya ni Jiary Jasen Papa, ang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na pumanaw sa loob ng campus sa Silang, Cavite.

“Nag-conduct nga kami ng sariling autopsy at parehas ang naging resulta ng ospital at tsaka ‘yung nag-autopsy na kinuha namin. Wala namang naging bias,” wika ng tatay ni Jiary na si Ronald, sa GMA’s “24 Oras Weekend”.

Napaulat na nag-collapse si Papa dahil sa umano’y electrolyte imbalance o hypokalemia, o low potassium intake.

Ang pagkamatay ng babaeng kadete ang ikalawa na sa hanay ng mga bagong miyembro ng Cadet Corps of the Academy sa loob lang ng tatlong araw.

Bago nito, pumanaw ang kaklase niyang si Kenneth Ross Alvarado dahil sa heat stroke.

Sinuspinde na ng PNPA ang mga physical activities para sa mga bagong kadete, habang iniimbestigahan ang mga pagkamatay.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pagpanaw-ng-pnpa-cadet-walang-foul-play-pamilya/)

Walang komento