Recent Posts

Breaking News

Paglagay ng barrier sa motorsiklo, extended hanggang July 26

Pinalawig ang palugit sa paglalagay ng barrier sa motorsiklo hanggang July 26 ayon sa Joint Task Force COVID Shield.

Ito ay para mabigyan ng sapat pang panahon ang mga motorista na makapagpalagay ng barrier na dapat sana’y magsisimula nang i-implement sa Linggo,July 19.

“As per our Secretary of the Interior and Local Government Eduardo Año, from the original July 19, the deadline for motorcycle riders to comply with the required barrier for pillion riding is now moved to July 26,” ayon kay JTF COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Dalawang disenyo ang pagpipilian ng mga motorista, ito ay ang ginawa ng Bohol provincial government o ang backpack design ng Angkas.

“We hope that the two-week grace period are more than enough for motorists to conform to the safety standards of the two approved designs to ensure the safety of both the driver and the riders,” lahad pa ni Eleazar.

Pinayagan na ngayong buwan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo makalipas ang ilang buwan na pagbabawal para maipatupad ang social distancing sa COVID-19 pandemic.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/paglagay-ng-barrier-sa-motorsiklo-extended-hanggang-july-26/)

Walang komento