Recent Posts

Breaking News

Pagkain, trabaho ang kailangan! Cha-cha i-lockdown na – Drilon

Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukala ng mga alkalde na ireporma ang Konstitusyon para mapalakas ang local government units sa bansa.

Ayon kay Drilon, pagkain at hanap ang kailangan ng taumbayan at hindi pagsayaw ng charter change o chacha.

“Alam mo, ang kailangan natin ngayon ay pagkain hindi sayaw; hindi Cha-cha ang kailangan natin. Yung walang hanap-buhay ang malaking problema. Kaya dapat i-lockdown na ang Cha-cha na ito dahil masyadong divisive,” pahayag ni Drilon sa panayam sa DZBB.

“Sa ngayon, ang kailangan ay unity dahil ang laki ng problema ng ating bansa. Pero ano ang ginagawa? Binubuhay na naman itong Cha-cha. Dapat i-quarantine na itong Cha-cha,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Drilon ang pahayag bilang pagkastigo nito sa dahilan ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa pagususlong ng Chacha na nakapaloob sa panukalang na isinumite nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sabi ni LMP national president Luis Chavit Singson, bumuo ang grupo ng resolusyon na mag-eendorso sa panukalang i-institutionalize ang tinatawag na Mandanas Ruling ng Korte Suprema in Konstitusyon at ang pagtanggal ng restriksiyon sa foreign investment sa mga industriya na limitado sa mga Pinoy.

Iginiit ni Singson na pag-i-institutionalize ng Mandanas Ruling, makatitiyak na ang lahat ng mga rehiyon ay patuloy na makakatanggap na pantay na share sa buwis na kinokolekta ng national government.

Sa nasabing ruling, sinabi ng Korte Suprema na, “the share from the Internal Revenue Allotment (IRA) of the local government units does not exclude other national taxes like customs duties.”

Subalit giit ni Drilon, hindi puwedeng magpasa ang Kongreso ng law na kokontrao ang interpretation ng Korte Suprema sa probinsiyon na nakasaad sa Konstitusyon.

“Hindi kami puwedeng magpasa ng batas na sinasabi na dapat ang koleksiyon lang ng BIR [Bureau of Internal Revenue] at hindi ng Customs ang isali sa IRA,” paliwanag ni Drilon.

“Hindi puwede ‘yan dahil sabi sa Constitution, ang ibig sabihin ng ating Saligang Batas kapag sinasabing national taxes, ang ibig sabihin niyan ay lahat, BIR, Bureau of Customs at kung anu-ano pang ahensiya ang nagkokolekta ng buwis,” sambit pa nito. (Dindo Matining)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pagkain-trabaho-ang-kailangan-cha-cha-i-lockdown-na-drilon/)

Walang komento