Recent Posts

Breaking News

Pagdagsa ng petisyon kontra Anti-Terror Law, inaasahan ni Duterte

Inaasahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na kukuwestiyunin sa Korte Suprema ang nilagdaan nitong Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na marami agad ang umaalmang grupo lalo na yaong mga komunista para tutulan at kuwestiyunin ang legalidad ng batas.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang Anti-Terror Law ang kailangang-kailangan ng bansa para malabanan ang terorismo sa bansa.

“Itong komunista, whatever be the fortune of misfortune of that law now, I’m sure it will be challenged before the Supreme Court,” anang Pangulo.

Mahalaga aniyang sandatang legal ng gobyerno ang nabanggit na batas para ganap na malabanan ang terorismo.

Sinabi ng Pangulo na hindi simpleng pamamaril lamang ang ginagawa ng mga terorista para makapaminsala ng buhay at mga pasilidad kundi gumagamit ang mga ito ng malalakas na armas gaya ng mga bomba at pinapasabog ang kanilang mga target sa harangaring makapaminsala at makapatay ng mga inosente at mga alagad ng batas.

“Sana iyong mga — the much-needed legal weapons that we need to fight terrorism kasi ang terrorism ho hindi ito isa, dalawang putok,” dagdag ng Pangulo.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga insidente ng pagpapasabog sa Mindanao kung saan ang tinarget ay simbahan at mga matataong lugar para makapaminsal



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pagdagsa-ng-petisyon-kontra-anti-terror-law-inaasahan-ni-duterte2/)

Walang komento