Recent Posts

Breaking News

Pagbubukas ng mga internet shop nirekomenda ng DTI

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na irerekomenda nila na payagan nang magbukas ang mga internet café sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) para sa educational purposes.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez sa DZMM Teleradyo, kabilang din sa irerekomenda nila ang pagbubukas ng mga tutorial center at review center.

Suportado rin niya ang mga drive-in cinema, personal grooming at aesthetic services.

Dagdag niya, ang re-opening ng mas marami pang establisyimento ay bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na “i-gradually reopen the economy.”



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbubukas-ng-mga-internet-shop-nirekomenda-ng-dti/)

Walang komento