Recent Posts

Breaking News

Pagbenta ng yosi, alak online ibabawal ng DOF

Para matiyak na hindi mabentahan ang mga menor de edad na Pinoy, balak ng Department of Finance na harangin na ang online na pagbebenta ng mga “sin” product.

“We will move to ban online sales of cigarettes and liquor,” ang sambit ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, Sabado.

Dahil bawal pang lumabas dulot ng COVID-19 quarantine, marami ngayon ang bumibili na lang sa pamamagitan ng mga online shopping site.

Bawal i-advertise maging sa online ang mga cigarette product, alinsunod sa Tobacco Regulation Act.

Pero sa ngayon, walang batas na naghaharang sa pagbebenta ng sigarilyo sa online marketplace.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pagbenta-ng-yosi-alak-online-ibabawal-ng-dof/)

Walang komento