Recent Posts

Breaking News

P500 monthly pension ng mga senior ibigay ng maaga

Sa halip na ibigay kada anim na buwan, hiling ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay na kada tatlong buwan ang P500 monthly pension ng milyong mahihirap na senior citizen.

Sa House Resolution No. 1047 na inihain ni Rodriguez, sinabi nitong ang kasalukuyang COVID-19 pandemic na kinakaharap ng bansa ay lubhang apektado ang mga senior kung kaya’t mahalagang maalalayan ang mga ito partikular sa kanilang pangangailangang pinansiyal.

“Due to lockdowns and quarantines in many parts of the country, many businesses struggled, resulting in loss of jobs for many Filipinos, including senior citizens who are still productive members of society.Now more than ever, these indigent senior citizens need financial assistance from the government,” ayon kay Rodriquez.

Malaking ginhawa aniya para sa mga senior citizen kung ibigay na sa kanil ang pension ng maaga sa halip na maghintay pa ng matagal.

Malaking tulong ito para sa kanilang maintenance medicine, pagkain at iba pang pangangailangan.

Sa resolusyon, hiling pa ni Rodriquez sa Kamara ang magkaisang pahayag ng mga mambabatas para sa pagpapalabas ng naturang pension ng mga senior citizen kada tatlong buwan.

Magugunitang sa ilalim ng DSWD memorandum circular, ang P500 monthly financial aid sa mga senior citizen ay ibibigay lamang kada anim na buwan o P3,000 per semester.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/p500-monthly-pension-ng-mga-senior-ibigay-ng-maaga/)

Walang komento