Recent Posts

Breaking News

P2M suhol dinedma ni Vico Sotto

Pinagmalaki ni Pasig City Mayor Vico Sotto na may ipon na ang lungsod ng P414.7 milyon simula October 2019.

Idiniin ng alkalde sa kanyang State of the City Address noong July 2, na napagtagumpayan nila ito dahil walang pera na napupunta sa bulsa niya at may maayos silang bids and awards committee.

“Nagagawa rin po natin ‘to dahil walang perang napupunta sa bulsa ko,” wika ng alkalde.

May pagkakataon din daw na may nag-alok sa kanya ng P2 milyon para sa business permit pero hindi siya nagpasilaw dito.

“Alam po ninyo na may mga ibang lumapit sa akin, may dala-dalang pera. Tinanggihan ko po ‘yon dahil ‘yun po ang pangako ko sa taong bayan. Mayroon pong nagdala sa opisina ko ng P2 million para mapabilis ‘yung approval ng kanyang permit. Hindi po natin pinansin ‘yon,” sambit ni Sotto.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/p2m-suhol-dinedma-ni-vico-sotto/)

Walang komento