Recent Posts

Breaking News

P15M tseke sinoli ng tahong vendor!

Mabuting kalooban ang nangibabaw sa isang nagbebenta ng tahong matapos nitong isoli ang P15 milyon na tseke na kanyang napulot sa highway.


Sa isang video na kumakalat sa social media, ikinwento ni Marlon Tanael kung papaano niya nakuha ang higit sa P15 na manager’s check.

Ayon sa vendor, bandang alas-1 ng hapon ng makita niya ang isang bag sa gilid ng highway habang siya’y nagbebenta ng tahong.


Hindi niya binuksan ang bag at hinintay kung darating ang may-ari ng nasabing bag, ngunit pagsapit ng alas-4 ng hapon ay kinailangan na niyang umuwi kaya dinala na rin ang bag.

Hindi pa rin nagka-interes si Marlon sa bag nang dumating sa bahay, at kinabukasan na ito binuksan kung saan nakita niya ang isang envelope na naglalaman ng P15 million na tseke.


“Ang gusto ko pong mangyari ay mabalik po ito sa City Treasurer of Imus City kasi po bukal po ang kalooban ko na maibalik po itong malaking pera,” ayon kay Marlon.


Tagumpay na naisoli ni Marlon ang pera, na base sa Facebook post ng City Treasurer’s Office ng Imus, Cavite ay pagmamay-ari ng Property Company ng Friends, Inc.

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=141682600908292&id=106944721048747




Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/p15m-tseke-sinoli-ng-tahong-vendor/)

Walang komento