Recent Posts

Breaking News

P140B kapiranggot! Bayanihan 2 budget gawing P500B – Zubiri

Mas mainam umano kung maglalaan ng P500-bilyong pondo para sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos aprubahan sa Senado ang ikatlo at pinal na pagbasa ng panukala na naglalaan ng P140-bilyong pondo sa pambansang gobyerno para matulungang makabangon ang iba’t ibang sektor dulot ng epekto ng pandemyang COVID-19.

Sabi ni Zubiri, kakausapin ng Senado ang Department of Finance at hihilingan na kung maari ay taasan pa ang pondo sa naturang panukala.

Aniya, masyadong maliit aniya ang P140 bilyon kumpara sa panukalang P1.3 trilyong Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy Act sa Kamara.

“I think P500 billion would be a good amount. We will be able to help micro, small and medium enterprises, we will be able to help the transport industry, we can help the sectors, for example, those who have been displaced,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa ANC.

Paliwanag nito, nais sana nilang magpasa na mas mataas na halaga para sa panukala subalit iniisip nila ang budget ng cap ng DOF dahil posible itong i-veto ng ehekutibo.

Bagama’t pinupuri nito ang Kamara sa pagsulong ng P1.3 trilyong economic stimulus package, naniniwala si Zubiri na hindi sasang-ayon ang DOF dito. (Dindo Matining)



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p140b-kapiranggot-bayanihan-2-budget-gawing-p500b-zubiri/)

Walang komento