Recent Posts

Breaking News

Ospital sa Caloocan nadale ng COVID

Ipinasara ni Mayor Oscar Malapitan ang Caloocan City Medical Center South matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang medical staff nito.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Malapitan na isang linggo isasara ang ospital at naka-quarantine na ang mga nurse at medical technologist na nagpositibo sa virus.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang lungsod para matukoy ang kanilang mga nakahalubilo.

Sarado ang Caloocan City Medical Center South pati ang emergency room nito hanggang tanghali ng July 23 at nagsasagawa na ito ng masinsinang decontamination.

Sabi ng alkalde, magpapatuloy pa rin ang serbisyo ng ospital sa mga taong naka-admit na.

Pinapayuhan naman ang mga nangangailangang magpatingin na sa Caloocan City North Medical Center magtungo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ospitaospital-sa-caloocan-nadale-ng-covidl-sa-caloocan-nadale-ng-covid1/)

Walang komento