Recent Posts

Breaking News

Ospital ng Muntinlupa ‘di na tatanggap ng COVID patient

Naabot na ng Ospital ng Muntinlupa (OsMun) ang “full bed capacity” para sa mga coronavirus disease patient.

Sa ngayon, ani Mayor Jaime Fresnedi, hindi muna makakatanggap ng mga bagong COVID patient ang ospital.

“Bagama’t maaga ang naging paghahanda — nagdagdag ng manpower at kagamitan, nag-augment ng bed capacity, ginawang prayoridad ang Covid-19 treatment — naabot na rin po ng ating ospital ang full bed capacity para sa coronavirus patients,” wika ni Fresnedi sa Facebook post.

“Sinisikap po ng OsMun hanggang sa abot nang makakaya na makatulong, subalit maaaring hindi ma-accommodate sa ngayon ang mga bagong pasyente ng Covid-19,” dagdag niya.

Siniguro ng alkalde na patuloy na tatanggap ng mga non-COVID patient ang OsMun gaya ng check-up.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ospital-ng-muntinlupa-di-na-tatanggap-ng-covid-patient/)

Walang komento