Recent Posts

Breaking News

Operasyon ng BI main office suspendido

Suspendido ang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang pangunahing tanggapan sa Intramuros, Manila.

Mula July 27 hanggang July 28 ito epektibo para sa gagawing disinfection at sanitation.

“All subport offices, with minimal skeletal deployment essential to effectively and efficiently carry out their respective offices’ daily operations, may accommodate your urgent transactions,” anunsyo ng kagawaran.

Balik normal ang operasyon nito sa July 29.

Nakaraang buwan nagsuspendi rin ang BI ng operasyon sa Manila office para sa disinfection matapos isang empleyado nito ang ma-test na COVID-19 positive.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/operasyon-ng-bi-main-office-suspendido/)

Walang komento