Recent Posts

Breaking News

‘One-stop shop’ ilalakad para sa mga sinibak sa ABS-CBN – Roque

Imumungkahi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagtatayo ng ‘one-stop shop’ para sa mga apektadong manggagawa dulot ng tigil-operasyon ng ABS-CBN.

Ayon kay Roque, kanyang kakausapin si Labor Secretary Silvestre Bello III para dito na makakatulong para hindi na lumapit at humingi ng tulong sa iba’t ibang government agency ang mga nawalang trabaho na Kapamilya.

“Siguro ang gagawin ko is kokontakin ko si Secretary Bello and I will encourage him to open a one-stop shop siguro doon sa ABS-CBN to assist those who will be retrenched,” ani Roque sa CNN Philippines.

Nitong Miyerkoles ay inanunsyo ng ABS-CBN na magsisimula nang magtanggal ng tao sa pagtatapos ng Agosto matapos na bigong makakuha ng prangkisa sa Kongreso.

Inaasahan na 90-percent sa higit 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang makakasama sa retrenchment program, ayon sa ulat ng Bilyonaryo.

“For those who are affected, we pray for you and your families, that you may have the strength and guidance to deal with the challenges ahead. For all that you have done for ABS-CBN, maraming salamat po,” ayon sa pahayag ng ABS-CBN.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/one-stop-shop-ilalakad-para-sa-mga-sinibak-sa-abs-cbn-roque/)

Walang komento