Recent Posts

Breaking News

NTC walang puso – Liza

Dismayado si Kapamilya aktres Liza Soberano sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa mga pag-aari ng ABS-CBN na TV Plus at Sky Direct.

Tinigil ng mga nabanggit ang operasyon nila simula kagabi, Hunyo 30, kasunod ng nilabas na cease and desist orders (CDO) laban sa kanila ng NTC.

Ibig sabihin, hindi na mapapanood ang DZMM Television, Jeepney TV, Yey !, CineMo, Asianovela Channel, at Kapamilya Box Office sa mga TV Plus box sa Metro Manila.

Giit ng NTC, sa ABS-CBN franchise renewal hearing ng Kongreso nitong Lunes, kasama sa pinasara nila noong Mayo 5 ang digital platforms ng Kapamilya network.

Bigkas ni Liza sa Twitter kahapon, “No words for these heartless people #ABSCBNFranchise”

“How come there’s so much time being spent on bringing ABS-CBN down but little to no time figuring out ways to help our kababayans who are struggling during this pandemic, kasi naka GCQ parin (sic) tayo?????” bulalas pa ng 22-anyos na star.

1.5 milyong subscriber umano ang sapul sa tigil-operasyon ng Sky Direct, kabilang ang mga nasa lugar na hindi nakasasagap ng television signal.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ntc-walang-puso-liza/)

Walang komento