Recent Posts

Breaking News

NPA leader utas sa bakbakan

Patay ang isang pinuno ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan sa Brgy. Maragatas, Lupon, Davao Oriental.

Sabi sa ulat, nagresulta ang engkuwentro sa pagitan ng mga NPA rebel at mga miyembro ng 28th Infantry Battalion noong Biyernes sa pagkakapatay ng isang Prince Wendel Olofernes, kalihim ng Guerilla Front 18.

Nadakip din ang suspected NPA rebel na si Godofredo Quesada Galo.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwento ang apat na 40mm ammunition at mga personal na gamit ng mga rebelde.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/npa-leader-utas-sa-bakbakan/)

Walang komento