Recent Posts

Breaking News

Northern Samar, Biliran pinalawig ban sa stranded

Pinalawig hanggang katapusan nitong buwan ang pag-uwi ng mga locally stranded individual sa Northern Samar at sa Biliran.

Sa isang joint resolution, inapruba ng COVID-19 regional task forces sa Eastern Visayas ang hiling ng dalawang nabanggit na lalawigan na i-extend ang moratorium sa mga LSI.

Wika nila, limitado pa rin ang kanilang kagamitan at quarantine capacity para sa mga uuwing residente.

Kulang din anila ang mga Level-3 hospital, limitado ang medical supplies at healthcare capacity, at kaunti ang kanilang medical fronliners.

Matatandaang nagsimula noong Hunyo 28 ang pansamantalang suspensiyon ng pagbabalik ng mga LSI sa rehiyon para sana madagdagan ulit ang kanilang supplies at maihanda ang mga quarantine area.

Sa ngayon, 20 na ang coronavirus case sa Northern Samar habang 21 sa Biliran. Karamihan sa mga pasyente nila ay mga LSI.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/northern-samar-biliran-pinalawig-ban-sa-stranded/)

Walang komento