Recent Posts

Breaking News

No-El’ scenario sa 2022 pinuporma na – Drilon

Pinupostura na ang “no-election” o “no-el” scenario para sa taong 2022.

Ito ang paniwala ni Senate minority leader Franklin Drilon matapos manawagan ang mga local government leader sa pangunguna ng mga kaalyado ng administrasyon para sa pagbabago ng Konstituyson.

“Sa akin, ang intention ay para hindi matuloy ang halalan sa 2022 at kung matuloy man, alisin yung term limit. Hindi po tama iyan,” pahayag ni Drilon sa panayam sa GMANews TV.

“Regardless kung kailan gagawin, hindi pwedeng ipagpaliban ang halalan sa 2022 o alisin ang term limit. Sa akin iyan ang purpose, Kahit sabihin nila na ito lang ang gagalawin, mali,” dagdag pa nito.

Ayon kay Drilon, hindi matanggap ang argumento ng Department of Interior and Local Government’s (DILG) na gusto nilang i-institutionalize ang desisyon ng Supreme Court na nagsabing ang source ng internal revenue allotments (IRA) para sa local government units (LGUs) ay dapat mula rin national taxes at hindi lang iyong kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Yung sinasabi nila na i-institutionalize ang Mandanas decion at alisin ang restriction on foreign ownership – unang-una, walang basehan iyan, dahilan sa maliwanag naman na institutionalize na ang Mandanas decision,” sabi ni Drilon.

“At yung pag-alis ng restriction sa foreign ownership ginagawa na iyan sa Senado,” sambit pa nito.

Bagama’t maganda aniya ang layunin ng pag-liberalize ng foreign investment, ipinunto ni Drilon na ginagawa naman ng Senado para mapaganda ang investment climate ng bansa.

“By law, sinisikap natin at ginagawa natin at nagawa na natin ng nakaraan na i-liberalize ang investment climate,” sabi ng minority leader.

Gayunpaman, tiniyak ni Drilon na gagawin nila ang lahat para harangin ang tangkang pagratsada ng Chacha sa Senado.

Naniniwala din ang mambabaas na ito ang pangunahing dahilan kung pinalutang din ng mga kaalyado ng adminstrasyon na pagsipa kay Senador Francis Pangilinan bilang chairman ng Senate committee on constitutional amendments.

“Ako ay may tiwala sa ating kasamahan na makikita nila na hindi para sa kapakanan ng bayan ito. Ako ay naniniwala na haharangin ito sa Senado at hindi makakalusot,” ani Drilon.

“Kaya siguro nag-umpisa sila ng mga propaganda na alisin si Sen. Kiko Pangilinan bilang chair ng Committee on Constitutional Amendments, kasama po iyan. Handa kami sa senado na lumaban dito; handa ako at handa kami sa minority na labanan ito,” sambit pa nito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/no-el-scenario-sa-2022-pinuporma-na-drilon/)

Walang komento