Recent Posts

Breaking News

Nilantad pambu-bully: Jimin umalis na sa grupo

Binitawan na ni Shin Jimin ang pagiging leader at main rapper ng AOA, matapos malantad na binully niya ang dating kagrupo na si Mina.

Sa Instagram, nilantad ni Mina na 10 taon siyang nakaranas ng pambu-bully mula kay Jimin. Pinagbawalan din umano siya nitong umiyak noong nag-aalala siya sa maysakit niyang ama.

“Because of her, I once tried to attempt suicide,” ayon sa isang post ni Mina.

Kasunod nito, Hulyo 4, sinabi ng FNC Entertainment na “Jimin has decided to leave AOA and halt all of her activities in the entertainment industry.”

“Our agency accepts responsibility for this entire situation, and we will put our full focus on managing our artists [in the future],” ayon pa sa agency.

Naglabas na rin ng public apology si Jimin at personal na nag-sorry kay Mina, na hindi sure kung sincere ang paghingi ng tawad ng nauna.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nilantad-pambu-bully-jimin-umalis-na-sa-grupo/)

Walang komento