Recent Posts

Breaking News

Nicki Minaj buntis na!

Makulay na sorpresa ang bumungad sa Facebook page ng American rapper na si Nicki Minaj.

Inanunsyo ng rapper sa kanyang social media na siya ay nagdadalang tao na sa kanyang first baby.

Makikita na kahit bilog na bilog na ang kanyang tyan ay malakas pa rin ang dating nito dahil hindi pa rin nawala ang ka-sexyhan ng rapper.

Hinaluan pa niya ng makulay na tema ang kanyang litrato na sumisimbolo nga na nadagdagan ng magandang kulay ang kanyang buhay.

Sa Instagram niya inilahad kung gaano siya ka-excited sa bagong yugto ng kanyang buhay.

Pero kahit na sobrang laki na ng tyan ni Nicki, hindi pa rin naalis na mapansin ng mga netizen kung gaano lumobo lalo ang boobs ng rapper.

Ayon pa sa comment ng ilang mga fan, halos pantay na pantay ang pagkabilog ng kanyang tiyan at boobs.
Dahil dyan, laman na ngayon ng Twitter universe ang balita sa pagbubuntis ng 37-year-old rapper na si Nicki Minaj.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nicki-minaj-buntis-na3/)

Walang komento