Recent Posts

Breaking News

Naka-move on na ako! Sharon nag-throwback sa loveteam kay Gabby

Nagwawala ngayon ang mga solid ShaGab fan matapos silang pagbigyan ni Megastar Sharon Cuneta.

Nag-post kasi Cuneta ng larawan nila ng dating katambal at dating asawa na si Gabby Concepcion noong sila’y bagets pa.

Makikita pa na nakaakbay si Gabby kay Ate Shawie, habang nakangiti sila pareho.

“Eto na po mga solid na S-G. He was 17, I was 15. Things were super simple, pure, innocent. Di pa po kami magkaano-ano dito at after shooting na kami nag-usap,” wika ng actress-singer sa Instagram kahapon.

“Okay na po? Para sa susmaryosep na di makamove-on! Hahaha!”

“Nililinaw ko lang po – ilang beses na ako nakamove-on! Ngek. Pero love ko ang “Dear Heart.” Kasi totoong-totoo lahat nung nagsimula,” aniya pa na tungkol sa kanilang pinagsamahang pelikula noong 1981.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naka-move-on-na-ako-sharon-nag-throwback-sa-loveteam-kay-gabby/)

Walang komento