Recent Posts

Breaking News

Mura lang multa! Mga pasaway sa EDSA, tauhan ng gobyerno

Maging ang ilang kawani ng gobyerno, hindi sumusunod sa patakaran sa EDSA busway.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, nasa 30 sasakyan kada araw ang iligal na gumagamit ng busway, mula nang buksan ito noong Hunyo 1.

Kalahati pa aniya sa 987 violator ang empleyado ng gobyerno. Hindi niya binigay ang eksaktong datos.

“Half of those flagged were our colleagues in the government, driving their private vehicles,” ani Pialago, Linggo.

Dagdag niya, nakasakay pa ang ibang pasaway sa mga motorsiklo o sa mga official vehicle.

Dapat pagmultahin nang P1,000 ang mga violator, at ng P150 pa dahil sa pagbalewala sa mga traffic sign.

Pero wika ni Pialago, binibigyang-konsiderasyon sila–pinaparusahan lang sa pagbalewala sa mga traffic sign.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mura-lang-multa-mga-pasaway-sa-edsa-tauhan-ng-gobyerno/)

Walang komento