Recent Posts

Breaking News

MMDA tigil-operasyon muna

Suspendido sa Hulyo 9 at 10 ang trabaho sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magbigay-daan sa complete sanitation at disinfection ng lahat ng mga tanggapan at mga katabing lugar nito.

Dagdag pa, lahat ng mga personnel ay papayagang umuwi nang alas-dos ng hapon, Hulyo 8, dahil sasailalim sa sanitation at disinfection procedures ang mga workplace nila hanggang Linggo, Hulyo 12.

Walang empleyado na papayagang pumasok sa alinmang tanggapan ng MMDA sa panahon ng sanitation at disinfection.

Batay umano ito sa rekomendasyon ng MMDA COVID-19 Committee, ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim.

Ayon sa MMDA, apat na kawani na nila ang nagpositibo sa coronavirus, matapos ang kanilang mass rapid testing at confirmatory swab test.

Kaagad umanong ni-lockdown at nilinis ang mga opisina ng mga. Nagsagawa na rin umano ng contact tracing at swan testing sa mga nakasalamuha ng mga kawani.

Samantala, ang iba pang manggagawa ng ahensiya na nagpositibo sa rapid test ay pinasailalim sa swab test at quarantine.

Naghayag din sila ng protocols para sa mga bibisita sa MMDA, kabilang ang pagbabawal sa personal visit dahil sa high risk of COVID-19 transmission sa kasalukuyang panahon.

“We assure the public that our offices will resume operations as soon as we have completed the sanitation and disinfection of our all offices by Monday,” ani Lim.

“This pandemic is a difficult time for all of us and we must do everything we can to protect our personnel and visitors,” dagdag niya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mmda-tigil-operasyon-muna/)

Walang komento