Recent Posts

Breaking News

Misis ni Aiza, sinuka ng MMFF

Sibak bilang miyembro ng Metro Manila Film Festival Executive Committee ang misis ni Aiza Seguerra na si Liza Diño.

Ito ay base sa sulat ni MMFF chairman Danilo Lim, kung saan nilahad ang ‘conflict of interest’ bilang pangunahing rason sa pagkakatanggal kay Diño sa MMFF.

Aniya, ang tangkang paglipat ni Liza ng pamumuno sa MMFF patungong Film Development Council of the Philippines, kung saan ito ang chairman, ang naging dahilan para tanggalin siya sa executive committee.

“As early as 2016, you already made efforts to transfer management of MMFF from Metro Manila Development Authority (MMDA) to Film Development Council of the Philippines (FDCP). You even wrote a letter to Malacañang asking for extension of festival period for MMFF and to transfer chairmanship of MMFF from the undersigned to you,” saad ni Lim.

Inasahan daw ni Lim na magre-resign si Liza, ngunit hindi ito nangyari kaya gumawa na ng hakbang para tanggalin ito sa MMFF.

“For this reason, we would like to inform you that we have decided to withdraw your appointment as a member of the Executive Committee,” lahad pa sa sulat ni Lim.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/misis-ni-aiza-sinuka-ng-mmff/)

Walang komento