Recent Posts

Breaking News

Michael Pacquiao gumagawa ng sariling pangalan

Legendary talaga ang pamilya Pacquiao sa iba’t ibang paraan, ayon sa mga netizen.

Sinabi nila ito matapos mapakinggan ang bagong kanta ng pangalawang lalaking anak ni Manny na si Michael.

Ang kantang “Pac-Man,” na pinagtulungan nina Michael Pacquiao at Michael Bars at nilabas last month, ay bumibida ngayon sa social media.

Siyempre pa, tungkol ito sa “Pambansang Kamao”.

Sambit ng mga netizen, hindi generic ang tunog ng kanta at malupit ang rapping skills ni Michael.

May nagsabi pa na gumagawa ng pangalan ang mga Pacquiao sa iba’t ibang larangan.

Bukod kay Michael, sikat din sa YouTube ang kanyang mga kapatid na sina Jimuel at Mary.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/michael-pacquiao-gumagawa-ng-sariling-pangalan/)

Walang komento