Recent Posts

Breaking News

MIAA binawi pag-apruba sa NAIA consortium

Binawi na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang original proponent status ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) consortium na binubuo ng pinakamayayamang negosyante sa bansa.

Nauna nang hiniling ng NAIA consortium sa National Economic and Development Authority (NEDA) na palitan ang ibang terms and conditions ng kanilang proyekto dahil hindi na angkop ang basehan ng kanilang project proposal na isinumite noong Pebrero 2018 nang wala pang COVID-19 pandemic at hindi pa kailangan ng social distancing.

Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE), sinabi ng Ayala Corporation na nakatanggap sila na liham mula sa MIAA noong July 10, 2020 na naghihinto na sa anumang negosasyon sa proyekto at nagbabawi ng lahat ng approval na nakuha nito bilang original proponent ng proyekto.

Bukod sa mga Ayala, ang iba pang mga miyembro ng consortium ay ang mga Aboitiz, Gokongwei, Gotianun, sina Lucio Tan at Andrew Tan.

Pebrero 2018 sila nagsumite ng unsolicited proposal sa Department of Transportation (DOTr) at sa MIAA kasama ang Metro Pacific na pinangungunahan ni Manny V. Pangilinan na nauna nang nagsabing kakalas ito sa proyekto.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/miaa-binawi-pag-apruba-sa-naia-consortium/)

Walang komento