Recent Posts

Breaking News

Mga tao magpapa-test kung libre: Trapiko sa Maynila, ‘good problem’ – Mayor Isko

Iba ang pananaw ni Manila Mayor Isko Moreno nang magkaroon ng mabigat na trapiko sa lungsod, matapos kuyugin ang kanilang drive-thru coronavirus testing center.

“Nag-traffic po talaga, pero ako, iba po ang perspective ko: that is a sign of a good problem. Why? Totoo pala na ang tao, gusto niyang magpa-test, but the problem is wala siyang access,” wika ni Moreno sa kanyang briefing, Huwebes.

“Second problem is economic: walang pera eh, hindi kumita eh. Oh ngayon, nagkaroon ng libre, dumagsa,” paliwanag niya pa.

Maraming pasahero ang dumagsa sa harap ng Andres Bonifacio Monument, kung saan nakalagay ang drive-thru tests. Nagsimula ito noong Miyerkoles at mayroon nang higit 700 benepisyaryo.

Bago ito, naglunsad din ang Taguig government ng kanilang drive-thru testing facility noong Abril.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-tao-magpapa-test-kung-libre-trapiko-sa-maynila-good-problem-mayor-isko/)

Walang komento