Recent Posts

Breaking News

Mga taga-NCR, Visayas grabe ang stress

Ayon sa special survey ng Social Weather Stations, dahil sa pandemyang COVID-19 ay maraming Pinoy pa rin ang patuloy na nakararanas ng stress.

Sa sinagawang survey noong Hulyo 3 hanggang 6, sinabi ng 86 percent ng mga Pilipino na nagdulot sa kanila ng stress ang coronavirus crisis. Kabilang dito ang 51 percent na sapul ng “great stress” at ang 35 percent “much stress”.

Kumpara ito sa 55 percent “great stress” at 34 percent “much stress” noong Mayo.

Samantala, 14 percent lang ang nagsabing nakaranas sila ng “little” hanggang “no stress,” mas mataas kaysa sa 11 percent noong Mayo.

Mas marami ang sukat ng may great stress sa mga pamilyang nakaranas ng hindi-sinasadyang gutom sa nakalipas na 3 buwan (62 percent), kumpara sa mga pamilya na hindi nagutom (48 percent).

Pinakamataas naman ang great stress sa mga nagtapos ng junior high school sa 58 percent.

Pinakamataas din ang great stress sa mga nasa National Capital Region at sa Visayas sa 56 percent.

Sinundan ito ng mga nasa Luzon pero labas sa NCR (49 percent) at Mindanao (46 percent).

Sinagawa ng SWS ang nationwide survey gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interview ng nasa 1,555 Pinoy na edad 18 pataas.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-taga-ncr-visayas-grabe-ang-stress/)

Walang komento