Recent Posts

Breaking News

Mga taga-Cebu kinastigo ni Duterte

Muling nakatikim ng sermon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan ng Cebu City, na aniya’y dahilan ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ng gabi, muling inihayag ng Pangulo ang “katigasan ng ulo” ng mga taga-Cebu City kaya tumataas ang kontaminasyon ng virus doon.

Nakikita umano niya sa telebisyon ang sitwasyon sa lungsod kung saan marami pa rin diumano ang gumagala sa kabila ng pinatupad na lockdown.

“Prangkahan ko kayo: if you get mad at me, I will get mad at you too. Do not f*ck with me because nanonood ako ng government stations,” wika ni Duterte.

Tinukoy niya ang video footage sa Talisay City na mistulang palengke at mayroong nag-iinuman at nagsusugal.

“Talisay was like a marketplace everyday. Nag-iinuman kayo diyan, nagsusugal, almost nonchalant of the dangers that were lurking around,” dagdag ng Pangulo.

Binigyang-diin niyang hindi umano sinunod ng taga-Cebu City ang mga polisiya kaya ang lungsod na ang hotspot ng COVID-19 sa bansa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-taga-cebu-kinastigo-ni-duterte/)

Walang komento