Recent Posts

Breaking News

Mga sundalo sa Cebu nag-donate ng plasma

Nasa 26 COVID-19 survivor na mga miyembro ng 53rd Engineer Brigade ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagbigay ng kanilang plasma para sa mga pasyenteng ginagamot pa sa infection.

Nangyari ang plasma donation drive sa Camp Lapu-Lapu sa Cebu City ng July 30 sa pakikipagtulungan sa Department of Health Region 7 at United Architect of the Philippines-Sugbu Chapter.

Ang plasma ay isang bahagi ng dugo na naglalaman ng antibodies, na nagpapalakas sa immune system ng pasyente para labanan ang COVID-19.

Maliban sa AFP, nakiisa rin sa donasyon ng plasma ang mga miyembro ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-sundalo-sa-cebu-nag-donate-ng-plasma/)

Walang komento