Recent Posts

Breaking News

Mga sundalo pinaulanan ng bala ng pulis – DOJ

Tatlo sa apat na sundalo na pinatay ng Jolo police noong nakaraang buwan, ayon sa Department of Justice, ang nagtamo ng mga tama ng baril sa likod.

Kabilang dito ang isang nagtamo ng walong tama ng bala, at dalawang nagtamo ng tig-tatlong tama ng bala.

“The ballistic report clearly indicated that the shells and slugs found at the scene of the crime matched the firearms of the police officers involved,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Martes, habang sinasaad ang NBI field report.

“The bullet wounds were mostly [on] the back of the body, with one soldier sustaining eight wounds,” aniya pa.

Hindi naman tinukoy ni Guevarra kung sinu-sino ang mga ito.

Sakay ng SUV, tinutugis nina Army intelligence officers Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco, at Cpl. Abdal Asula ang eksaktong lokasyon ni Abu Sayyaf bomb maker Mundi Sawaadjan at 2 pang babaeng bomber nang pahintuin sila sa isang police checkpoint, Hunyo 29.

Nang sabihin nina Indammog na Army officer sila, pinapunta sila ng mga pulis sa Jolo polict station.

Malapit sa istasyon na pinagbabaril ng mga pulis ang mga sundalo.

Samantala, dinasarmahan na ang 9 na pulis na sangkot sa pamamaril at nilagay sa kustodiya ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.

Ito’y sina Senior Master Sergeants Abdelzhimar Padjiri at Hanie Baddiri; Staff Sergeants Iskandar Susulan, Ernisar Sappal at Almudzrin Hadjaruddin; Cpl. Sulki Andaki; at mga Patrolman Mohammad Nur Pasani, Alkajal Mandangan at Rajiv Putalan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-sundalo-pinaulanan-ng-bala-ng-pulis-doj/)

Walang komento