Recent Posts

Breaking News

Mga pulis sa checkpoint tinamaan ng COVID

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa na karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay iyong naka-deploy sa mga quarantine control checkpoint.

Pero siniguro ni Gamboa sa publiko na mayroong sapat na puwersa ang PNP na siyang magsasagawa ng quarantine protocols sa kabila ng umabot na sa 1,089 ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

“Halos lahat ng infection came from those who are manning the quarantine checkpoints. Second hindi mauubos ang pulis, marami kami and then there’s always rotation,” pahayag ni Gamboa sa press briefing Lunes ng umaga sa Camp Crame.

“Dito sa Crame, marami pang pulis dito. Kapag naubusan, we will deploy and we can afford to re-deploy our PNP personnel,” ani Gamboa.

Karamihan aniya sa mga pulis na may COVID-19 ay asymptomatic.

“Nevertheless, after ma-test, usual protocol kapag nag-positive ka mag-observe ka ng 14-day quarantine and then i-test ka ulit, I think twice and then kapag cleared ka pinapa-rest pa rin yata ng mga seven to ten days before you go back to duty,” saad ni Gamboa.

Base naman sa ulat ng PNP Health Service, mayroon nang 500 pulis ang gumaling sa COVID-19 habang siyam pa rin ang bilang ng namatay sa kanilang hanay.

Bukod dito ay mayroon pang 1,422 suspected COVID-19 case habang 670 ang probable case na binabantayan ng PNP Health Service.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-sa-checkpoint-tinamaan-ng-covid/)

Walang komento