Recent Posts

Breaking News

Mga player, fan nasabik sa NBA

Matapos ang mahigit apat na buwan na pagkatengga, tunay na inabangan hindi lang ng mga fan kundi pati ng mga player din ang pagbabalik ng NBA.

Nitong Biyernes (Manila time), bumida agad ang Los Angeles Lakers kontra Los Angeles Clippers, 103-101 habang ungos din ang Utah Jazz laban sa New Orleans Pelicans, 106-104.

Tweet ni volleybelle at TV host Gretchen Ho, “Feels good. Looks good. Sounds good. The @NBA is officially back!”

Paramdam din sa Twitter si Golden State Warriors star Stephen Curry: “I love every one of my @NBA brothers out there! Welcome back.”

“Perfect way to start the @NBA season!” saad naman ni former Miami Heat icon Dwyane Wade .

Pahabol ni free agent veteran guard Isaiah Thomas: “NBA best league in the world!”



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-player-fan-nasabik-sa-nba/)

Walang komento