Recent Posts

Breaking News

Mga player ‘di kailangan ng insurance! COVID treatment sagot ng mga PBA team

Siniguro ng PBA na magiging ligtas ang kanilang mga manlalaro laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay league commissioner Willie Marcial, hindi kailangang maglabas ng pera ng mga player sakaling tamaan sila ng COVID-19.

Paliwanag nito, sasagutin ng kani-kanilang koponan ang gastos sa pagpapagamot para sa mga manlalaro na magpopositibo sa virus.

“Sasagutin ng teams lahat ng hospital expenses pag nagka-COVID ang players, just like when players get injured,” ayon kay Marcial. “So there’s no need for any insurance.”

Bukod pa sa treatment, maging ang pagpapa-COVID-19 test ng mga player ay libre na rin ng mga koponan, kung saan isasagawa ito sa bagong bukas na laboratory ng San Miguel Corp.

Sa ngayon ay wala pang napapabalitang manlalaro na tinamaan ng coronavirus, at pinayagan na rin ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng individual practice sa PBA.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-player-di-kailangan-ng-insurance-covid-treatment-sagot-ng-mga-pba-team2/)

Walang komento