Recent Posts

Breaking News

Mga Pinoy sa US nag-kontra SONA

NEW YORK – Sinalubong ng protesta ng mga Pinoy at militanteng grupo sa Amerika ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagluluksa ang ilang Pinoy sa Amerika dahil sa umano’y pagkamatay ng demokrasya sa Pilipinas.

Bitbit ang kabaong na gawa sa karton ay nagmartsa ang may isandaang Pinoy sa Roosevelt Avenue sa Woodside, Queens sa New York para ihayag ang kanilang protesta laban sa gobyernong Duterte.

Binatikos ng mga ito ang paggamit ng Anti- Terror Law para busalan ang mga tumutuligsa sa maling gawain ng pamahalaan.

Sinisi rin ng grupo ang si Duterte sa umano’y palpak na paghawak sa COVID19 pandemic kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nagkakasakit sa kabilang ng bilyong-bilyong dolyar na inutang para labanan ang pandemic.

Inuulit daw ng gobyerno ni Duterte ang kasaysayang iniwan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bukod sa New York City ay nagsagawa rin ng kilos protesta ang mga Pinoy na pinangunahan ng grupong Bayan USA, Malaya Movement, Gabriela, Migrante at Anakbayan sa California, Chicago, Washington D.C, at Los Angeles.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pinoy-sa-us-nag-kontra-sona4/)

Walang komento