Recent Posts

Breaking News

Mga Metro Manila hospital pinahahandang dagdagan ang COVID capacity

Pinahahanda ng Department of Health ang mga ospital sa Metro Manila sakaling kailanganin na dagdagan ang nakalaang puwesto para sa mga COVID-19 patient.

Sa ilalim ng DOH Administrative Order No. 2020-016 na nilabas noong Mayo 4, dapat hindi bababa sa 30 percent ng mga hospital bed sa mga pampubliko at pribadong ospital ang para lamang sa mga COVID-19 case.

Ito ang tinakdang minimum health system capacity ng gobyerno.

Pero ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming ospital ang hindi sumusunod sa nasabing kautusan.

Kaya naman pinulong niya ang mga hospital administrator sa Metro Manila para tiyaking susundin ang patakaran.

“Be prepared to implement an additional 20 percent surge capacity if and when needed,” aniya pa sa mga ospital sa rehiyon.

Sa ngayon, namamataan ang muling pagtaas sa bilang ng mga coronavirus infection sa Metro Manila.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-metro-manila-hospital-pinahahandang-dagdagan-ang-covid-capacity/)

Walang komento