Recent Posts

Breaking News

Mga dolphin sumulpot sa Bohol

Muling nagpakita ang mga dolphin sa isang bayan sa Bohol matapos ang ilang dekada.

Sa report ng Inquirer, ilang mga residente sa bayan ng Garcia Hernandez ang nagkwento ng kanilang mga nasilayan sa paglitaw ng daan-daang dolphin sa kanilang lugar.

Ayon sa isang residente, bandang alas-5 ng hapon nasilayan ang mga dolphin sa karagatan ng Bohol, na umano’t nagsimula pa noong Hunyo matapos matigil ang turismo sa lugar dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa mga dolphin, nasaksihan din ang mga killer whale sa nasabing lugar.

Dating nakilala ang Bohol bilang breeding ground ng mga nasabing aquatic animal, ngunit biglang nabawasan hanggang naglaho ng tuluyang dahil sa pag-hunting sa mga ito noong 1990s.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-dolphin-sumulpot-sa-bohol/)

Walang komento