Recent Posts

Breaking News

Mga Cebuano lang may cash aid sa Bayanihan 2 – Angara

Mayroon pa rin mabibiyayaan ng Special Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan Bill 2 subalit ang lungsod lang umano na nasa ilalim ng enhanced community quarantine tulad sa Cebu City, ayon kay Senador Sonny Angara.

“Ang Bayanihan 2, ito pay patuloy na benepisyo ng Bayanihan I [Bayanihan to Heal as One Act]. Medyo may pagkakaiba ng konti, although majority ng programa sa Bayanihan 1 ay ipagpapatuloy,” pahayag ni Angara sa panayam sa DZBB.

“Pero ang inaabangan ng karamihan yong SAP. Meron pa rin pero intended po sa mga under ECQ pero ilan na lang poyon. For now, Cebu City, yon lang ang makakatanggap dahil iyon ang purpose nun,pag ECQ kasi `di makapagtrabaho ang tao,” paliwanag ng senador.

Ayon kay Angara, chairperson ng Senate committee on finance, ilan sa makatatanggap ng ayuda ay iyong mga nawalan ng trabaho, mga overseas Filipino worker (OFW), mga health worker at iba pa.

“Patuloy pa rin sa mga programa ng Bayanihan 1 pero yong pilosopiya sa Bayanihan 2, tutulungang makabangon ang mga tinamaan tulad ng [micro, small, medium enterprises] mgadi nakapag-negosyo at maliit lang ang puhunan o profit,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Bayanihan Bill 2, maglalaan ng P50 bilyon para sa pautang sa mga MSME at iba pang apektado ng pandemya tulad ng turismo, transportasyon at iba pang sektor.

“Merong P50B na ilalaan para sa pautang tulad sa MSMEs at iba pang tinamaan ng pandemya,” ani Angara.

“Kasama ang sektor ng turismo, transportasyon, private schools na tinamaan din dahil nabawasan ng enrolment. Marami pong naghahanap ng ayuda at ang tinatawag na informal sector,” ayon pa sa senador.

Nauna nang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magpapatawag ang executive branch ng special session sa Kongreso para sa pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-cebuano-lang-may-cash-aid-sa-bayanihan-2-angara/)

Walang komento