Recent Posts

Breaking News

Mga artistang tahimik sa ABS-CBN shutdown, markado sa mga direktor

Binunyag ni Direk Theodore Boborol na tinantusan na ng mga direktor at producer ang mga artistang walang imik matapos ianunsyo ng ABS-CBN ang retrenchment dahil sa bigong makakuha ng panibagong prangkisa.

Sa tweet ni Boborol, sinagot nito ang isang netizen na sinabing huwag bigyan ng project ang mga talent at artista na ‘tuta’, enabler, at neutral.

Sagot ni Boborol, may listahan na sila ng mga artistang nanahimik sa isyu para maiwasan sa kanilang mga project.

“Alam na naming mga director at producers ‘to. Wag kayong mag-alala! Balita ko kahit sa ad agencies, me listahan din sila,” ayon kay Boborol.

Ilan sa mga artistang pinatamaan sa social media ay sina Vice Ganda at magkapatid na Tony at Alex Gonzaga dahil kilala ang mga ito na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, pati na rin sina Vhong Navarro at Sarah Geronimo dahil sa umano’y pananahimik sa isyu.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-artistang-tahimik-sa-abs-cbn-shutdown-markado-sa-mga-direktor/)

Walang komento