Recent Posts

Breaking News

Meralco hindi transparent – Binay

Hinimok ni Senadora Nancy Binay ang Manila Electric Company (Meralco) na bigyan ang kanilang mga konsumer ng malinaw at madaling maintindihang paliwanag kung paano nila na-compute ang kanilang electric bill sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa pagdinig ng Senate committee on energy, ipinunto ng senadora ang kakulangan ng impormasyon tungkol sa Meralco bill na siyang dahilan ng pagkalito ng karamihan sa mga konsumer.

“How would we know if overestimate or underestimate yung nangyari when it is not stated on the bill?” ani Binay.

“Tingin ko doon tayo magkakaproblema dahil as a consumer, hindi kami nakakasiguro kung anong buwan ba kayo nag-overestimate o nag-underestimate sa computation ng bill,” dagdag pa nito.

Hinikayat din ni Binay ang Meralco na gumawa na hiwalay ng bill na mas ‘transparent’ lalo na’t sinabi na ng Meralco na mayroon nang aktuwal na meter reading sa kanilang mga konsumer.

“While we thank Meralco for giving a refund of the amount it may have overcharged, we are still asking for more transparency on our electric bills,” ayon kay Binay.

“Gusto lang natin klaro at makikita agad ng consumers kung magkano ba talaga ang overestimate or underestimate sa kanila ng Meralco noong ECQ,” wika pa nito.

Ipinaliwanag ng ginawa nila ang bill base sa average consumption mula Disyembre hanggang Pebrero dahil ang naisagawa ang meter reading noong Marso at Abril matapos ilagay sa ECQ ang buong Luzon.

Sabi pa ng Meralco, nagsimula silang gawin ang aktuwal na meter reading para sa business customers noong Abril habang Mayo naman ang meter reading para sa mga residential customer.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/meralco-hindi-transparent-binay/)

Walang komento