Recent Posts

Breaking News

Mensahe ng pag-asa dapat marinig kay Duterte – Angara

‘Message of hope’ o mensahe ng pag-asa ang gusto marinig ng taumbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Andres (SONA) sa Hulyo 27, ayon kay Senador Sonny Angara.

“I think, dahil nanggaling po tayo sa 80-day lockdown…ang inaabangan ng ating mga kababayan, ano yung maasahan for the rest of 2020 and for 2021 mula sa pamahalaan,” pahayag ni Angara sa panayam sa DZRH.

“And siguro, some message of hope, kasi marami ring nalulungkot at nawawalan ng pag-asa sa ating mga kababayan. So, I think, a type of parang rallying the troops type of speech, would be good,” dagdag pa nito.

Aabangan din aniya ng tao kung tatalakahyin ni Duterte sa kanyang SONA ang konkretong plano para sugpuin ang COVID-19 pandemic gayundin ang usapin tungkol sa edukasyon.

“Pinag-uusapan ang edukasyon, ano ang magiging tema rito. What will be the plans of the president dito,” ani Angara.

“Tapos, yung sa healthcare. Matagal nang inaasahan yan na talagang yung hiring of health personnel, improvement of our health facilities to deal with future outbreaks and to improve the COVID reaction,” dugtong pa nito.

Isa sa dapat marinig sa SONA ni Duterte ay ang usapin ng internet infrastructure sa bansa lalo na’t patuloy ang paghahanda ng gobyerno sa kauna-unahing distance learning sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Kakayanin ba ng ating internet infrastructure? Ano ang plano ng gobyerno rito? Dahil alam natin, sa mga malalayong lugar, wala pa rin silang maaasahan o reliable at mabilis na internet infrastructure,” ani Angara.

“Yun ang specifics na hinahanap natin – sa edukasyon, sa kalusugan, sa internet o broadband,” sambit pa nito.

Umaasa din itong mababanggit ni Duterte sa kanyang SONA ang tungkol sa pagbangon ng ekonomya, usapin ng kawalan ng trabaho at ayuda sa mga maliit ng negosyanteng labis na ding naapektuhan ng pandemya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mensahe-ng-pag-asa-dapat-marinig-kay-duterte-angara/)

Walang komento